Totoong nakakamangha ang mga estalaktika at estalagmita na personal naming nakita sa Mystical Cave. Hindi namin akalain na ang mga ito ay makikita lamang pala sa ating karatig lungsod.
Marami rin kaming natutunan sa Pinto Art Gallery. Lalo naming nabigyan ng pansin kahalagahan ng sining, talento at imahinasyon upang makabuo ng isang napakagandang obra. Hindi hadlang ang mga kapansanan upang hindi mo maabot ang iyong pangarap. Napakagandang paraan ang pagpipinta upang maipakilala ang iyong nararamdaman sa iyong mga gawa.
Bagama't nakakapagod, mahirap at masakit sa katawan ang napakaraming bilang ng hagdan na aming binagtas patungong Camp Tipolo Adventureland, naging makabuluhan naman at masaya ang aming naramdaman ng aming marating ang lugar na ito.
Nakakalungkot mang isipin na malaki ang pinagbago ng Hinulugang Taktak noon at ngayon subalit napakaganda namang balita ang bumungad sa amin nang aming kapanayamin ang namamahala rito at aming napag-alaman na bagama't sarado pa ito sa publiko sa ngayon, ito ay sinisimulan na nilang ayusin at pagandahin upang maging kaakit-akit ulit ito sa mga turista at ang mga taong bumibisita rito.
Mula noon at hanggang ngayon, marami pa ring mga debotong Katoliko ang pumupunta sa Antipolo Cathedral. Patuloy pa rin ang kanilang serbisyo na magbasbas ng sasakyan sa paniniwalang magiging ligtas at mapayapa ang kanilang paglalakbay.
Grabe! Ang ganda sa Antipolo! Marami talaga kaming natutunan! :)
TumugonBurahinWalang katapat na halaga ang karanasang ito. Marami kaming natutunan sa pagbisita namin sa mga lugar na ito.
TumugonBurahinMmeeoo Onaip Good start.. Mabuhay antipolo.good luck mayor.
TumugonBurahinMadalas ako sa antipolo dati pero ndi pa ganyan kaganda.. maganda na nga ang lugar na ito malayo na ang narating ng lungsod... isa lang ibig sabihin nyan,,, magaling ang namumuno hehehehe.... ;) sana me gumayang ibang tga lungsod para umasenso din sila :)
TumugonBurahinwow! ang ganda na ng Antipolo. pwede ng makapasyal dyan si kuya david, ate dotie, lala at baby D! ang galing. pagna pasyal kame ng manila, dito na kasi kame sa Butuan ngaun,,, walang ganyan dito hehehhee...
TumugonBurahinTama yan jacinth, kaya kayo binibigyan ng ganyang project ng teacher nyo kasi, sa mga yan natututo na kayo agad agad! kaya madami kayong nalalaman at nadidiscover na wala sa school! Mahirap na project pero sulit naman diba? next time kaya anu naman project nyo? hahahhaa
TumugonBurahinHalina punta na sa Antipolo!
TumugonBurahinLahat ng may Tiyaga me Nilaga! Magaling.
TumugonBurahinVery educational ang pagagawa nila ng blog na ito. Magagaling na mag aaral. Good Job and Good Luck!
TumugonBurahinTara na bisitahin ang antipolo!
TumugonBurahin