Miyerkules, Disyembre 18, 2013

IKALIMANG BAHAGI: MALIGAYANG PAGLALAKBAY

Mystical Cave



























Para sa amin, ang Mystical Cave ang isa sa mga magagandang tanawin dito sa Antipolo. Ito ay pinananatili sa pamamagitan ni Inday Nelly. Si Inday Nelly ang nakadiskubre ng kuwebang ito at ito ay nadiskubre niya noong siya’y sampung taong gulang lamang. Maaari mong makita dito ang mga relihiyoso at banal na estalagmita at estalaktita na nabuo sa pamamagitan ng tubig. Ang tubig at bato sa loob ng kuweba ay sinasabi na maaaring magpagaling ng mga may sakit na tao at maaaring protektahan sila mula sa pinsala. Ang lugar na ito ay relihiyoso, dahil sa ang mga bato na bumubuo ng iba't ibang mga imahe ni Hesus, sina Adan at Eba, taga-Nasaret, Pieta, San Pedro, St Bernadette at marami pa.  Nakakamangha ang mga makikitang estalagmita at estalaktita sa loob nito lalo na't ito'y kumikinang.

DIREKSYON PAPUNTANG MYSTICAL CAVE





Antipolo Cathedral

















Totoong napakaganda sa Antipolo Cathedral.  Ito ay tahanan ng kilalang mapaghimalang imahe ng Antipolo, ang Our Lady of Peace and Good  Voyage  (Nuestra SeƱora de la Paz Y Buenviaje). Karaniwang ginagawa ng mga taong may bagong sasakyan ang magpabasbas dito upang masiguro ang kaligtasan at kaayusan sa paglalakbay. Sa himig ng mga katutubong awitin ang mga tao ay tumutungo rito upang matamasa o maranasan ang mapaghimalang Our Lady of Peace and Good Voyage at pangalawa, ay upang makaiwas sa sobrang init, polusyon, alikabok at malanghap ang malamig na simoy ng hangin.


DIREKSYON PAPUNTANG ANTIPOLO CATHEDRAL






Hinulugang Taktak




















Ang Hinulugang Taktak ay isang talon na matatagpuan sa lalawigan ng Rizal . Noong 1990, ang talon ay ipinahayag bilang isang  makasaysayang  lugar sa ilalim ng Republic Act No 6964 . Ang kasaysayan ng Hinulugan Taktak ay mayaman at makulay tulad ng lugar ng Antipolo.  Sa ngayon, ito ay sarado pa sa publiko dahil ito'y pinapaganda at inaayos upang mas maging kaakit-akit hindi lamang sa mga turista kundi sa mga mamamayan ng Antipolo. Ginagawan din ng paraan ang mga taong nakatira malapit sa talon na mailipat ng ibang tirahan upang mapanatiling malinis ang tubig na dumadaloy mula sa talon.

DIREKSYON PAPUNTANG HINULUGANG TAKTAK





Camp Tipolo Adventureland







































Ang kampong ito ay matatagpuan sa Loreland Farm Resort, isang 11- ektaryang malawak na lupain na  nagkakaloob ng kumportableng akomodasyon, masasarap na pagkain, parke at mga paliguang nakapagbibigay ng magandang karanasan upang makarelaks. Ang kanilang pangunaging layunin ay makapagbigay saya at mahusay na serbisyo sa mga taong bumibisita rito. Isang lugar kung saan maaaring gumawa, magpahinga, maglaro, bumuo ng magandang relasyon, matutunan ang pakikipagkaibigan, pagtutulungan, at magandang komunikasyon.


DIREKSYON PAPUNTANG CAMP TIPOLO ADVENTURELAND





 Pinto Gallery

























































Ang Pinto Art Gallery ay isang kontemporaryong kalawakan ng sining. Ang pangalang ito ay mula sa salitang pinto, ito ay nagbubukas ng pagkakataon o oportunidad sa lahat ng uri o anyo ng kasanayang pangsining. Ang istrakturang ito ay itinayo noong 2001 bilang imbakan ng mga gawang pangsining, ngunit sa kalaunan ito ay naging isang lugar eksibisyon para sa moderno at kontemporaryong sining.

DIREKSYON PAPUNTANG PINTO ART GALLERY





Via Dolorosa


















Ang Via Dolorosa ay isang lugar sa Antipolo na kadalasang pinupuntahan  ng mga Katoliko tuwing Mahal na Araw. Sa lugar na ito maaaring magdasal o manalangin at magbalik tanaw sa paghihirap ni Kristo sa krus ng kalbaryo. Makikita rin dito ang mga pinta ng mga apostol at pagpako kay Kristo sa krus, magandang hardin at mga ibon. Napakagandang lugar ng pakikipagniig sa Diyos at pagninilay-nilay lalo kung panahon ng Mahal na Araw.


DIREKSYON PAPUNTANG VIA DOLOROSA




BOSO-BOSO CHURCH










Ang Boso-Boso Church ay matatagpuan sa baranggay San Jose. Ito ay itinayo noong 16th century at nasira noong ikalawang digmaang pandaigdig. Ito ay nakatayo sa isang matibay at lumang bato na napapalibutan ng mga halaman sa ibabaw nito. Ito rin ay itinayo upang magsilbi o magserbisyo sa mga taong pumupunta rito.

DIREKSYON PAPUNTANG BOSO-BOSO CHURCH




YNARES CENTER










Ang Ynares Center ay isang napakalawak at napakalaking lugar na matatagpuan sa Antipolo. Ito ay itinayo sa limang ektaryang lupain at nagkakahalagang P350 milyong piso. Dito ginaganap ang malalaking palatuntunan ng lungsod, konsiyerto at PBA games. Dito rin ginanap ang ilang internasyonal na kaganapan tulad ng FIBA Asia Champions Cup. Noong Hunyo 2000,  ditto ginanap ang “Jubilee Year Celebration” ng mga simbahang Katoliko at dinaluhan ito ni Archbishop Jaime Cardinal Sin at Archbishop Antonio Franco. Noong 2005, dito rin ginanap ang“National Eucharistic and Marian Year”kung saan ang pangunahing tagapagsalita at ang yumaong Cory Aquino at Bishop Teodoro Bacani. Ang lugar ding ito ay tahanan ng mga selebrasyon ng iba’t-ibang gawain at aktibidad ng buong lungsod.


DIREKSYON PAPUNTA SA YNARES CENTER







59 (na) komento:

  1. Wow! Ganda! Kasama ako dyan... Mahirap pero masarap ang pakiramdam kapag natapos ang isang proyekto.

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Sulit naman di ba? Kasi di na ka dayuhan sa sarili mong bayan, lalo na dito sa lugar namin sa Antipolo!
      Sana napuntahan niyo din ung Prayer Mountain. Maganda din dun, pwede mag over-night stay and in the morning sarap mag devotion...

      Burahin
    2. Oo sis, talagang sulit kahit nakakapagod! Hayaan mo sa sunod isama namin yang Prayer Mountain sa pupuntahan.

      Burahin
    3. anna lissa rodriguezLinggo, Disyembre 29, 2013

      wow!!!!!napakarami palang magagandang pasyalan sa Antipolo, pwedeng-pwede syang irekomenda para sa educational fieldtrip!!!!!sulit sulit ang pagpunta dito bukod sa mga magagandang tanawin ay napakadali pang puntahan!!!!!kaya ano pang hinihintay nyo, tayo na sa Antipolo!!!!!!!

      Burahin
  2. Sakit ng mga binti ko, sa dami ba naman ng hagdan na pinanik namin, Sir Dawisan dapat sumama ka para mas masaya!

    TumugonBurahin
  3. Wow marami palang magagandang lugar sa Antipolo
    Nice work and pictures din

    TumugonBurahin
  4. Maganda ang inyong pagkakapresent ng lugar. Dahil sa inyong presentasyon, ako ay nahimok nyong bisitahin ang lugar kung may pagkakataon. Maayos, maganda at makulay ang mga larawan na inyong nagamit. Ngayon ko lang nalaman na meron palang mystic cave dyan sa Antipolo. Isa lang ang parang kulang, sinabi nyo na makasaysayan ang Hinulugang Taktak subalit hindi nyo naman binnggit kung bakit ito naging makasaysayan lugar. Sa kabuuan, ok naman, sa rate na 1-10 at ten yon highest, binibigyan ko ito ng 9.

    TumugonBurahin
  5. Wow maganda ang pagkagawa ng blog kasama na yung pictures and videos. Good job! :)

    TumugonBurahin
  6. Nice Job Kids! :)
    Even I live in Antipolo I learn a lot from your project. Good Luck for your Project!

    TumugonBurahin
  7. Wow ang ganda naman :)
    Ang dami palang magagandang lugar sa Antipolo :D

    TumugonBurahin
  8. Mabuhay Antipolo! Magaling ang mga namumuno...ang ganda na ng lugar nato... dadami pa ang turista na dadayo sa inyo. Keep it up! Para sa mga estudyante na naghirap para magawa ang project na ito, Great Job Guys! dapat 100 na ang grade nyo, sa hirap ng ginagawa nyo! sumakit ang paa.. nagsakitan ang katawan pero sulit... smile :) :)

    TumugonBurahin
  9. I've never realized na napakaganda pala ng Antipolo. I hope sa pag uwi namin, mabisita din namin yang lugar na yan. Good job guys, sobrang naakit nyo ako na i-dagdag sa itenerary namin ang Antipolo, ang galing nang pag present nyo.

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. uu nga ninang jem dapat mapasyalan nyo,, bukod sa magagandang tanawin jan sa canada sa pinas madami na ding magagandang mapuntahan.... salamat po at kahit sa project ng mga bata na encourage kayo magpunta sa antipolo.. isang sakay lang naman sya from our place.. or if you want ipapasyal kita dyan pag balik mo dito,,, salamat ninag jem.. regards po ke ninong!

      Burahin
  10. Galing ng mga kids. Keep it up. ang dami palang magagandang lugar sa antipolo. Makapag motor nga :)

    TumugonBurahin
  11. Love ko talaga ang antipolo!

    TumugonBurahin
  12. Dati madalas kame dyan mamasyal nina mama at papa.. mas maganda ang antipolo ngaun. galing guys! keep it up.

    TumugonBurahin
  13. hi!..
    good job, kids! Parang pro, huh!.. Pwede na kayo i-hire ng City of Antipolo for promotion of local tourism.
    God bless!

    TumugonBurahin
  14. onga jacinth.. pag uwi ko jan mamasyal uli tayo dun.. dipa ako nakarating sa lugar na yan..meron palang ganyan lugar sa antipolo kala ko sa palawan lang...

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. ok ung iba kuya, pero ung mystical cave naligaw kame sa layo!

      Burahin
  15. Mabuhay Antipolo! Magaling ang mga namumuno...ang ganda na ng lugar nato... dadami pa ang turista na dadayo sa inyo. Keep it up! Para sa mga estudyante na naghirap para magawa ang project na ito, Great Job Guys! dapat 100 na ang grade nyo, sa hirap ng ginagawa nyo! sumakit ang paa.. nagsakitan ang katawan pero sulit... smile :) :)

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Korek! Ang tindi ng pinagdaanan ng mga batang ito. Di bale 'KAPAG MAY TYAGA, MAY NILAGA" buti nalang hindi "sinigang" hehehe!!!

      Burahin
    2. ..hahahah yan nga dapat sasabihin ko! waaahhh

      Burahin
  16. Wow! Galing naman ng group niyo!
    Maganda po talaga ang mga pasyalan dito sa amin sa Antipolo, Pero mas gumanda pa kasi nilagyan niyo ng mga kwento at kasaysayan ang bawat lugar.
    -by Azriel Jed Abillar

    TumugonBurahin
  17. Azriel Jed AbillarHuwebes, Disyembre 26, 2013

    Wow! Galing naman ng group niyo!
    Maganda po talaga ang mga pasyalan dito sa amin sa Antipolo, Pero mas gumanda pa kasi nilagyan niyo ng mga kwento at kasaysayan ang bawat lugar.

    TumugonBurahin
  18. Maganda ang mga pctures at parang napuntahan na rin ng kung sino mang nagbukas nitong blog na ito. Magaganda talaga ang mga lugar sa ating bayan.

    TumugonBurahin
  19. Ang ganda ng Mystical Cave!

    TumugonBurahin
  20. Renz Christian PianoHuwebes, Disyembre 26, 2013

    Ako mahilig sa Arts! kaya sa PINTO GALLERY ako pupunta, :)

    TumugonBurahin
  21. Makapasyal nga dyan sa Antipolo maganda na talaga sya! Ang dami kung nalaman sa blog na to, salamat!

    TumugonBurahin
  22. Ganda pala talaga ng Antipolo, Makapunta na nga!!!! This page is full of information. Thanks sa mga gumawa nito and para na rin ako nag tour kahit wala sa Antipolo kaya pupuntahan na naming buong pamilya!!! - Tophielatte

    TumugonBurahin
  23. nice.. ang ganda dito ^_^ two thumbs up (y)(y)

    TumugonBurahin
  24. For me its the best. Love our own!!! Tagal na maganda sa Antipolo! WOW Philippines talaga! This is great. salamat sa nag create nitong blog na ito! - Christopher Atad

    TumugonBurahin
  25. Galing nitong gumawa ng blog! Ano puro estudyante pala nag create nito! The best! imagine walang ganito dati and sa kwento lang nang nakapunta pero ngayon makikita mo na lahat! kasi may mga pictures na. nakaka engganyo tuloy bumalik sa Antipolo! Galing na rin kasi may mga di ako napuntahan dati pero ngayon i know where to go! Thanks much mga Teeners! - Precious Macapagal

    TumugonBurahin
  26. The Best ito! madami pala mapupuntahan sa Antipolo! Thanks sa nag post nito! High Tech na talaga! - Chris Johann Capalad

    TumugonBurahin
  27. Ang gagaling ng mga bata, very talented sila. Nice place ANTIPOLO!

    TumugonBurahin
  28. Tara na sa antipolo and doon maglaboy tyo hahah.. Antipolo is indeed a great place na kung gus2 mong umiwas sa magulo at mausok na mundo ng maynila sa antipolo k n pumunta. Malapit na, hindi p magastos. Keep it up guys, gagaling nyo!.. ano bang next ma byahe? haha Godbless!

    TumugonBurahin
  29. Ang gagaling ng mga batang ito! sa pamamagitan ng inyong proyekto ay naipakita nya kung gaano kaganda ang Antipolo! ilan p lng yan sa mga tourist spot n pwedeng puntahan sa Antipolo! At ang maganda dyan ay di n kelangan lumayo p para lng makakita ng kamanghamanghang tanawin...kaya tara na mga igan...punta n sa antipolo!!!

    TumugonBurahin
  30. ang sarap mamasyal dyan sa Antipolo hindi mo na kailangang magset ng schedule para mapuntahan ito dahil kahit anong oras na gusto mo ay madaling makakarating dyan!!!!akala ko simbahan lang ang pwedeng puntahan kapag narinig mo ang salitang Antipolo yun pala napakarami palang pambato ang Antipolo!!!!go go go!!!!

    TumugonBurahin
  31. grabe,ang ganda-ganda pala ng Antipolo d ko lubos maisip na napakarami palang pook pasyalan dito na pwede mong ipagmalaki sa mga dayuhan. sa larawan pa lamang ay namangha na ako lao pa kung makarating ako mismo dito kaya tayo nang pumunta sa antipolo!!!!ang galing galing din ng mga mag-aaral na gumwa ng "blog" na ito!!!!

    TumugonBurahin
  32. what a nice place indeed...hope to see this cave in real....nice blog too!

    TumugonBurahin
  33. Hindi ko lubos maisip na me kuweba pala sa antipolo. ang ganda naman, buti me mapa para madaling mapuntahan. salamat sa blog na ito at nakakatulong na mapuntahan ang mga lugar na hindi namin alam. ang galing ng mga estudyante na ito. pag husayan nyo pa. Good job!

    TumugonBurahin
  34. Sam Nazarene RamosLinggo, Disyembre 29, 2013

    Pwede mag field trip dito bukod sa malapit na, madami pang mapupuntahan. Maganda sya pa sa aming estudyante. Salamat sa inyo!

    TumugonBurahin
  35. Nice place ....pupuntahan namin to ng mga anak ko this coming summer

    TumugonBurahin
  36. Ma. Margarita Panzo-GandonioLunes, Disyembre 30, 2013

    Nice place, clean and have peace and order. will be back again to antipolo!

    TumugonBurahin
  37. Maganda sa antipolo pag gabi, malamig at overlooking ang manila. nice tlaga dito mamasyal. malapit pa.

    TumugonBurahin
  38. Filemon C. AmolatLunes, Disyembre 30, 2013

    Kahit malayo kame sa Antipolo, maganda pa din syang mapuntahan. Bukod sa Tagaytay na pwede din mapasyalan madami din pala mapupuntahan sa Antipolo. Tama, yung ibang nag comment na mahalin natin ang sariling atin! Dito palang sa Pilipinas madami ng mapapasyalan.

    TumugonBurahin
  39. Jerome Mabag : Keep up the good work...!great success starts with great sacrifices!!!

    TumugonBurahin
  40. Instead of going to Tagaytay City, better to visit Antipolo. Hindi lang sa madaling puntahan dahil malapit, madami na ring mapapasyalan.

    TumugonBurahin
  41. Peaceful & Nice place.

    TumugonBurahin
  42. Hinulugang Taktak lang ang alam kung punatahan sa antipolo, bukod pala dyan me Mystical Cave pa, ang ganda. Pati sa Pinto Gallery ang gaganda din ng mga paintings. Ang alam ko me mga entrance fee dyan, pati ba sa ibang lugar meron din? for sure naman affordable pa din kahit meron man. Sulit pa din kung tutuusin.. Tara na, pasyal na sa Antipolo!

    TumugonBurahin
  43. Really love this place, maganda sa gabi malamig at masarap magtambay!

    TumugonBurahin
  44. Oo nga, baket hindi natin pasiglahin ang turismo ng Antipolo! Bukod sa malapit pa pwede na rin itong itapat sa mga pasyalan sa Tagaytay at Laguna. Masarap pa ang kakanin nila dito, suman kalamay kasoy!

    TumugonBurahin
  45. Happy New Year tiga Antipolo! Mas lalo nyo pang pagandahin ang inyong lungsod.

    TumugonBurahin
  46. Maganda nag kinalabasan ng kanilang blog/project. Magagaling na bata!

    TumugonBurahin
  47. We are proud for ANTIPOLO! Visit na kayo....

    TumugonBurahin
  48. Nakakatuwang isipin na maraming lugar sa Pilipinas na lubhang maipagmamalaki sa pagpapanatili ng kultura lalo na ang Lungsod ng Antipolo na nabuhay sa panahon pa ng mga Kastila. Nawa'y tangkilikin natin ang kultura ng Pilipinas sa pamamagitan ng pagbisita sa bawat lalawigan at bayan. Ika nga, huwag maging dayuhan sa sariling bayan kaya "Tayo na sa Antipolo!"

    TumugonBurahin
  49. Ang ganda naman nung may-ari nitong blog. Charot! XDD HAHA Tired pero worth it. :)) hope na makatulong yung blog natin sa pag papalaganap at pagpaparami pa ng mga turistang makakapasyal sa Antipolo :DD

    TumugonBurahin
  50. Michelle May DorigMartes, Enero 14, 2014

    Maganda ang pagkakagawa ng blog! Ang galing nila. malaki ang maitutulong sa mga bata at turista ng antipolo.

    TumugonBurahin
  51. Maganda na nga ang antipolo parang tagaytay na din… salamat sa blog na ito na makakatulong sa amin kung sino man ang gusto pumunta sa antipolo. ang galing!

    TumugonBurahin
  52. Ganda pala dito sa Antipolo. sana makapasyal kame.

    TumugonBurahin