Mystical Cave
Para sa amin, ang Mystical Cave ang isa sa mga magagandang
tanawin dito sa Antipolo. Ito ay pinananatili sa pamamagitan ni Inday Nelly. Si
Inday Nelly ang nakadiskubre ng kuwebang ito at ito ay nadiskubre niya noong
siya’y sampung taong gulang lamang. Maaari mong makita dito ang mga relihiyoso
at banal na estalagmita at estalaktita na nabuo sa pamamagitan ng tubig. Ang
tubig at bato sa loob ng kuweba ay sinasabi na maaaring magpagaling ng mga may
sakit na tao at maaaring protektahan sila mula sa pinsala. Ang lugar na ito ay
relihiyoso, dahil sa ang mga bato na bumubuo ng iba't ibang mga imahe ni Hesus,
sina Adan at Eba, taga-Nasaret, Pieta, San Pedro, St Bernadette at marami pa. Nakakamangha ang mga makikitang estalagmita at estalaktita sa loob nito lalo na't ito'y kumikinang.
DIREKSYON PAPUNTANG MYSTICAL CAVE
Antipolo Cathedral
Totoong napakaganda sa Antipolo Cathedral. Ito ay tahanan ng kilalang mapaghimalang imahe ng Antipolo, ang Our Lady of
Peace and Good Voyage (Nuestra
Señora de la Paz Y Buenviaje). Karaniwang ginagawa ng mga taong may bagong sasakyan ang magpabasbas dito upang masiguro ang kaligtasan at kaayusan sa paglalakbay. Sa himig ng mga katutubong awitin ang mga tao ay
tumutungo rito upang matamasa o maranasan ang mapaghimalang Our Lady of Peace and
Good Voyage at pangalawa, ay upang makaiwas sa sobrang init, polusyon, alikabok
at malanghap ang malamig na simoy ng hangin.
DIREKSYON PAPUNTANG ANTIPOLO CATHEDRAL
Ang Hinulugang Taktak
ay isang talon na matatagpuan sa lalawigan ng Rizal . Noong 1990, ang talon ay
ipinahayag bilang isang
makasaysayang lugar sa ilalim ng
Republic Act No 6964 . Ang kasaysayan ng Hinulugan Taktak ay mayaman at makulay
tulad ng lugar ng Antipolo. Sa ngayon, ito ay sarado pa sa publiko dahil ito'y pinapaganda at inaayos upang mas maging kaakit-akit hindi lamang sa mga turista kundi sa mga mamamayan ng Antipolo. Ginagawan din ng paraan ang mga taong nakatira malapit sa talon na mailipat ng ibang tirahan upang mapanatiling malinis ang tubig na dumadaloy mula sa talon.
DIREKSYON PAPUNTANG HINULUGANG TAKTAK
Camp Tipolo Adventureland
Ang kampong ito ay matatagpuan sa
Loreland Farm Resort, isang 11- ektaryang malawak na lupain na nagkakaloob ng kumportableng akomodasyon,
masasarap na pagkain, parke at mga paliguang nakapagbibigay ng magandang
karanasan upang makarelaks. Ang kanilang pangunaging layunin ay makapagbigay
saya at mahusay na serbisyo sa mga taong bumibisita rito. Isang lugar kung saan
maaaring gumawa, magpahinga, maglaro, bumuo ng magandang relasyon, matutunan
ang pakikipagkaibigan, pagtutulungan, at magandang komunikasyon.
DIREKSYON PAPUNTANG CAMP TIPOLO ADVENTURELAND
Pinto Gallery
Ang Pinto Art Gallery ay isang kontemporaryong kalawakan ng sining. Ang pangalang ito ay mula sa salitang pinto, ito ay nagbubukas ng pagkakataon o oportunidad sa lahat ng uri o anyo ng kasanayang pangsining. Ang istrakturang ito ay itinayo noong 2001 bilang imbakan ng mga gawang pangsining, ngunit sa kalaunan ito ay naging isang lugar eksibisyon para sa moderno at kontemporaryong sining.
DIREKSYON PAPUNTANG PINTO ART GALLERY
Via Dolorosa
Ang Via Dolorosa ay isang lugar sa Antipolo na kadalasang pinupuntahan ng mga Katoliko tuwing Mahal na Araw.
Sa lugar na ito maaaring magdasal o manalangin at
magbalik tanaw sa paghihirap ni Kristo sa krus ng kalbaryo.
Makikita rin dito ang mga pinta ng mga apostol at pagpako kay Kristo sa krus,
magandang hardin at mga ibon. Napakagandang lugar ng pakikipagniig sa Diyos at pagninilay-nilay lalo kung
panahon ng Mahal na Araw.
DIREKSYON PAPUNTANG VIA DOLOROSA
Ang Boso-Boso Church
ay matatagpuan sa baranggay San Jose. Ito ay itinayo noong 16th
century at nasira noong ikalawang digmaang pandaigdig. Ito ay nakatayo sa isang
matibay at lumang bato na napapalibutan ng mga halaman sa ibabaw nito. Ito rin
ay itinayo upang magsilbi o magserbisyo sa mga taong pumupunta rito.
DIREKSYON PAPUNTANG BOSO-BOSO CHURCH
YNARES CENTER
Ang Ynares
Center ay isang napakalawak at napakalaking lugar na matatagpuan sa Antipolo.
Ito ay itinayo sa limang ektaryang lupain at nagkakahalagang P350 milyong piso.
Dito ginaganap ang malalaking palatuntunan ng lungsod, konsiyerto at PBA games. Dito rin ginanap ang ilang internasyonal na kaganapan
tulad ng FIBA Asia Champions Cup. Noong Hunyo 2000, ditto ginanap ang “Jubilee Year Celebration”
ng mga simbahang Katoliko at dinaluhan ito ni Archbishop Jaime Cardinal Sin at
Archbishop Antonio Franco. Noong 2005, dito rin ginanap ang“National Eucharistic
and Marian Year”kung saan ang pangunahing tagapagsalita at ang yumaong Cory
Aquino at Bishop Teodoro Bacani. Ang lugar ding ito ay tahanan ng mga selebrasyon
ng iba’t-ibang gawain at aktibidad ng buong lungsod.
DIREKSYON PAPUNTA SA YNARES CENTER